Friday, May 4, 2012

“UNDRETURNED LOVE”



 What is “Unreturned Love”? Can we say that it is similar to a one sided love affair? Or is it a different kind of love?


Unreturned love, ito yung nagmamahal ka pero hindi kayang suklian ng taong mahal mo yung ibinibigay mong pagmamahal sa kanya. And YES we can say that Unreturned Love and One sided love affair are similar. Parehong nagmamahal pero walang pagmamahal na natatanggap.

When can we say that we are in unreturned love situation?

Ito yung napamahal ka ng kusa sa isang tao kahit wala naman siyang ginagawa para mapa-ibig ka. Naiimpress ka kahit hindi siya mag pa impress sayo. Nahuhulog ka sa kanya kahit wala namang tumutulak sayo ang masakit lang dito ay yung tuluyang ka nang nahulog pero nalaman mong hindi ka niya kaya saluhin kasi may iba na siyang hawak sa mga bisig niya at hindi niya yun kayang bitawan para lng saluhin ka.

Pwede din na alam niya na may gusto ka sa kanya at lalo pa siyang gumawa ng paraan para lalo kang magkagusto sa kanya. Nagpapa impress siya para mapansin mo siya lalo. Nagpapakita siya ng motibo sayo. Ang resulta minahal mo na siya ng sobra tapos malalaman mong may iba nang nagmamay-ari ng puso niya at hindi ka niya kayang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan o kapatid at sasabihin niyang hindi niya alam na iyon napala yung nagagawa niya sayo na hindi niya sinasadyang paibigin ka ng sobra sobra. Yung sobra sobrang pagmamahal na kayang magdulot sa iyo ng sakit na higit pa sa sobra.

O kaya naman sa sobrang pagmamahal mo sa kanya hihilingin mo sa kanya na huwag umalis sa tabi mo, na huwag ka niyang iiwan dahil hindi mo kaya. Tutuparin niya yung hiling mo hindi ka niya iiwan dahil kahit papaano mahalaga ka sa kanya. Pero kahit hindi ka niya iniwan at magkasama kayo alam mo sa sarili mo na walang pagmamahal sa pagsasama niyo na alam mo din sa sarili mo na mas masakit pero pipilitin mong huwag indahin dahil mas hindi mo kaya kapag nawala siya. Ang ending hindi ka niya talaga kayang mahalin hindi ka lang niya maiwan kasi mahalaga ka sa kanya pero malaki ang pagkakaiba ng pagpapahalaga sa pagmamahal. Alam mo sa sarili mo na mas mahalaga sayo ang kaligayan niya sa kaligayan mo kaya papalayain mo siya at mamahalin nalang siya sa malayo.

Many say that cupid is so unfair. Minsan namamana siya pero yung isa lang ang pinana niya ang resulta isa lang ang nagmamahal.  Eh hindi naman pwede sa isang relasyon yung ganun. Let’s compare it to tango. As the saying says, “it takes two to tango”. hindi ka pwede mag tango ng mag-isa lang. Paano ka sasayaw nang naaayon sa tugtog, nang maganda kung wala ang ka partner mo. Relationships are for two people not only for you. Loving someone who can’t love you back is like dancing without a song, singing without a rhythm or flying without wings. Yes it hurts, that’s a fact.

If you are in unreturned love situation right now and you want to feel the true happiness just follow these four easy steps:

1.       LET GO
2.      ACCEPT
3.      MOVE ON
4.      SMILE

No comments:

Post a Comment